Pumalo muli sa mahigit 2,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), umabot sa 2,452 ang karagdagang kaso ng COVID-19, dahilan para sumampa na ang kabuuang bilang sa 584,667.

-- Advertisement --

Mahigit naman sa 37,000 ang bilang ng mga aktibong kaso kung saan halos 95% ang mga itinuturing na mild at asymptomatic cases.

Samantala, nadagdagan naman ng 266 ang bilang ng mga gumaling, kaya nasa 535,037 na ang bilang ng mga recoveries.

Habang may 15 namang bagong pumanaw dahil sa virus, dahilan kaya lumobo pa ang death toll sa 12,404.

Walong duplicates naman ang tinanggal sa total case count kung saan dalawa ang recoveries.

May lima ring kaso na dating na-tag na recoveries ang na-reclassify na deaths matapos ang isinagawang final validation.

Apat na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos kahapon.