-- Advertisements --

Iginiit ni Energy Secretary Sharon Garin na “walang personalan” sa desisyon ng Department of Energy (DOE) na magpataw ng halos ₱24 bilyong multa at kanselahin ang mahigit 11,000 megawatts na kontrata ng Solar Philippines, kumpanya na itinatag ni Batangas Rep. Leandro Leviste.

Naitanong kay Garin kung may kaugnayan ang hakbang sa tinaguriang “Cabral files,” na diumano’y inilabas online ni Leviste kaugnay ng isyu ng umano’y flood control corruption.

Ayon sa DOE, nabigo ang Solar Philippines na maihatid ang halos 12 gigawatts na renewable energy capacity at hindi rin tumugon sa notices, show cause orders at renewal requests ng ahensya.

Sinabi rin ng DOE na mahigit 1,300 MW na nakatalaga sa Solar Philippines ang maaaring ilipat sa ibang kumpanya kung hindi nito mababawi ang pagkabigo sa deadlines.

Samantala, iniimbestigahan ng Ombudsman ang umano’y iligal na pagbenta ng solar franchise ni Leviste na sinasabing kulang sa apruba ng Kongreso. Sinabi ni Leviste na sasagutin niya ang isyu sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso sa Enero 26. (report by Bombo Jai)