-- Advertisements --

Binatikos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang China matapos nitong punahin ang Balikatan Exercises, at iginiit na matagal nang hindi transparent at “sinister” ang layunin ng Beijing.

Isinasagawa ang pinakamalaking Balikatan drills kasama ang tropa mula Pilipinas, Estados Unidos, at Japan, kabilang ang live-fire exercises sa hilaga at sa WEst PH Sea na sentro ng tensyon.

Nauna nang nagbabala ang China, na ang joint exercises ay maaaring magdulot ng hidwaan at tinawag itong “paglalaro sa apoy.”

Giit ni Teodoro, bahagi lamang ito ng “collective deterrence” at kung tutol ang China, maaaring indikasyon ito na naaapektuhan ang kanilang plano, kasabay ng pagbanggit sa umano’y expansionist agenda nito.

Samantala, aminado ang kalihim na limitado pa ang paggamit ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sites dahil sa isyu sa lupa, kahit pinalawak ito noong 2023 sa ilalim ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ( report by Bombo Jai)