-- Advertisements --

Humihirit ang Department of National Defense (DND) sa Kongreso ng mas malaking budget para matugunan ang security concerns sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Defense Undersecretary Cardozo Luna, umaapela sila sa Kongreso na doblehin ang alokasyon ng DND na halos katumbas ng dalawang porsyento na ng gross domestic product (GDP) para sa modernization program ng militar.

Ayon kau Usec. Luna, sa ASEAN region, pangalawa ang Pilipinas sa 10 miyembrong bansa na may pinakamaliit na military spending na katumbas lamang ng hanggang 1.3 percent ng GDP.

Inihayag ni Usec. Luna na kailangan ang nasabing budget increase para ma-sustain ang multi-year funding para sa upgrading at modernization ng land, air, sea, space and cyber capabilities ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We hope that Congress finds wisdom in investing more resources for [the defense establishment’s] modernization efforts… towards developing the country’s credible defense posture,” ani Usec. Luna.