Tiniyak ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutulong ang mga ito sa first-time domestic helpers na patungo na sana sa Kuwait.
Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, mayroon daw namang alternative labor market destination matapos ang targeted deployment ban ay ipinatupad na sa Gulf state.
Aniya, mayroon na raw silang cutoff para sa mga mabibigyan ng Overseas Employment Certificates (OECs) o exit pass ngayong magpapatupad na ang ahensiya ng temporary ban sa deployment ng mga first-time overseas Filipino workers (OFW) partikular ang mga domestic helpers pa patungong Kuwait.
Ang mga nakatanggap daw ng Overseas Employment Certificates ay puwede pa rin namang tumuloy sa employment sa Kuwait.
Pero ang mga kasalukuyang nag-a-apply na pupunta sa naturang bansa ay hindi na papayagang tumuloy.
Ang mga nakapirma naman na ng kontrata na first-time domestic OFWs sa kanilang mga Kuwaiti employer ay papayagan namang magtrabaho sa ilalim ng ilang kondisyon.
Pero ang sitwasyon daw ay mahigpit pa ring imo-monitor para sa safety purposes.
Ipinatupad ang targeted deployment ban sa Kuwait ay ipinatupad kasunod na rin ng pagkamatay ng Filipina household worker na si Jullebee Ranara.
Ang naturang Pinay worker ay sinunog at natagpuan sa gitna ng disyerto sa Kuwait at sinasabing ginahasa at nabuntis ng 17-anyos na anak ng kanyang employer.
Dumating sa bansa ang bangkay ni Ranara noong Enero 28 at inilibing noong Linggo, February 5 sa isang sementeryo sa Las Piñas City.