-- Advertisements --

Apektado ng ashfall ang maraming mga barangay sa Negros Occidental, kasunod ng naunang pagputok ng bulkang Kanlaon kaninang alas 4:30 ng umaga (May 13).

Batay sa inisyal na report na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), apektado ang mag sumusunod na lugar:

  • Brgys. Yubo at Ara-al, La Carlota City
  • Brgys. Ilijan at Binubuhan, Bago City
  • Brgys. Biak-na-Bato, Sag-ang, at Mansalanao, La Castellana

Patuloy pa ring isinasailalim sa assessment ang iba pang mga barangay na inaasahang makakaranas din ng ashfall mula sa tone-toneladang usok at volcanic materials na nagmula sa naturang bulkan.

Sa naunang report ng Phivolcs, umabot sa 72 volcanic earthquake ang naitala sa naturang bulkan kahapon, bago ito sumabog.

Mula pa noong Mayo-11, umabot na sa 135 volcanic earthquake ang naitala sa naturang bulkan maliban sa ilang volcano-tectonic events na nagpapakita ng umano’y paggalaw sa ilalim ng naturang bulkan.