Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng mga Filipinong bumuto sa halalan kahapon.
Sa pahayag na inilabas ng Pangulo, kaniyang binigyang-diin na muling naipakita ng bansa ang diwa ng demokrasya, sa pamamagitan ng mapayapa, maayos at may dignidad na halalan.
Sinabi ng Presidente, kaapwa aniya ito pagdiriwang ng pagpapatuloy at panawagan sa pamahalaan na umaksyon para sa tunay na mga hamong kinakahap ng mga Pilipino.
Kumpiyansa si PBBM sa mga nahalal na opisyal makikinig ang mga ito sa hinaing ng taongbayan, harapang tutugunan at aaksyon sa mga hamon ng inflation, trabaho, korapsyon at sa pang araw araw na dalahin ng mga Pilipino.
Lubos din ang pasasalamat ng Presidente sa taumbayan na bumuto at sumuporta sa mga kandidato ng administrasyon.
Sinabi ng Pangulo hindi man lahat nanalo ang 12 senatorial candidates magpapatuloy pa rin ang kanilang misyon at trabaho.
Binigyang-diin ng Presidente sa mga hindi pinalad na manalo, kaniyang nirirespeto ang tapang ng mga ito at paninindigan para sa public service.
Panawagan ng Presidente ngayong tapos na ang halalan na ituloy ang pag usad hindi para balikan ang nakaraan kundi para sa hinaharap.
Inihayag din ng Pangulo ang kaniyang pakikipagkamay sa mga bagong mga halal na kandidato na magkaisa silang lahat na bukas ang pag iisip tungo sa nag iisang misyon na pangasiwaan nang maayos ang pamahalaan tungo sa mas maayos at produktibong bansa.