-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Serbian tennis star Novak Djokovic ang kaniyang fans matapos na magwagi ito para mabawi ang kaniyang visa at tuluyan ng maidepensa ang kaniyang Australian Open title.

Base sa desisyon na inilabas ni Judge Anthony Kelly na walang basehan ang desisyon ng federal government na ipasawalang bisa ang visa ni Djokovic.

Mula ng malaman ang panalo ni Djokovic sa legal battle niya ay nagtungo ang nasa 50 mga Serbians sa tennis court sa Melbourne na may dala pang mga bandila ng kanilang bansa.

Inatasan din ni Kelly ang federal government na bayaran ang 34-anyos na si Djokovic ng legal cost na nananatili ng ilang araw sa immigration detention hotel.

Nanindigan naman ang mga abogado ng federal government na hindi pa tapos ang laban kung saan nirereserba ni Immigration Minister Alex Hawke ay nagrereserba ng kanilang rights to exercise ng kaniyang personal power para muling maisawalang bahala ang visa ni Djokovic.

Magugunitang kinuwestiyon ng Australian government ang medical exemption na ibinigay ng tennis Australia kay Djokovic para ito ay makapaglaro na sa Australian Open.

Sinasabing dinapuan ng nasabing virus si Djokovic kung saan mayroong mga ebidensiya bago ito tuluyang makabiyahe sa Melbourne, Australia.

Ilang oras matapos ang magwagi sa korte ay agad itong nag-ensayo sa tennis court ng Melbourne bilang paghahanda sa nalalapit na torneo sa susunod na linggo.