-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si American tennis player Taylor Townseed matapos ang negatibong komenton nito sa mga pagkain sa China.

Nasa Shenzhen China ang 29-anyos na tennis player para sa Billie Jean King Cup Finals kung saan nagpost ito ng mga video sa kaniyang social media.

Sa mga video ay makikitang nagulat pa ito dahil sa mga inihahaing putahe sa kanila.

Ilang mga pagkain aniya ay naglalaman ng karne ng pagong, palaka at sea cucumber.

Matapos ang pagkalat ng video ay umani ito ng batikos mula sa mga Chinese.