-- Advertisements --

Nanawagan si Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos kay Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na umuwi na sa bansa para sagutin ang mga ibinabatong isyu sa kaniya.

Sinabi ng presidential son, na nasasadlak sa putikan ang mga Kongresista dahil sa nasabing isyu.

Dagdag pa nito na siya ang unang nakiusap kay Co na dapat ay umuwi na ito sa bansa.

Hindi naman ikinaila ng opisyal na maaaring may ihain na ethics complaints laban kay Go gaya ng ginawa kay dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na pinatalsik sa puwesto dahil sa hindi pag-uwi kahit na expired na ang kaniyang travel order.