shakey s 2
-- Advertisements --

Pinalawig ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) hanggang alas 9 ng gabi ang dine-in sa mga restaurant.

Sa virtual presscon ni Presidential Spokesman Harry Roque, inianunsyo nitong ni-relax ng gobyerno ang restrictions para sa food establishments.

Ito ay makaraang paigsiin ang ipinatutupad na curfew mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw mula sa dating 8PM hanggang 5AM curfew.

Napag-alamang ang mga restaurant na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) areas ay pinapayagan ang hanggang 30 percent capacity habang sa modified GCQ areas ay maaaring makapag-operate ng hanggang 50 percent ng kanilang store capacity.

Kinakailangan lamang sundin ng mga food establishments maging ang mga customers ang minimum health standards gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face masks pagpapasok sa mga restaurant.

-- Advertisement --