Nagpahayag ng kaniyang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayan ng lloilo at sinamantala ang pagkakataong paalalahanan ang mga deboto ni Señor Sto. Niño na nagdiriwang ng Dinagyang Festival upang manguna sa pangangalaga, pagprotekta, at pagtataguyod ng pagkakakilanlang Pilipino.
“Let the Dinagyang Festival serve as a reminder of our collective responsibility to preserve, protect, and promote our identity in these changing times,” Marcos said in his message.
Binigyang-diin ng Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, masisiguro ng kapwa Pilipino ang pagpapatuloy ng natatanging paraan ng pamumuhay sa bansa.
Tinukoy din ng punong ehekutibo ang pagdiriwang bilang isang kaganapan na “nagpapakita ng kasiglahan ng lloilo at ang malalim na pakiramdam ng pagkakaisa at pagmamalaki na tumutukoy sa mapagmataas at matatag na mga tao nito.”
Ayon sa Pangulo ang Dinagyang Festival ay repleksyon ng mayaman at makulay na mosaic na bumubuo sa lahat ng ating mga katutubong grupo, kasama na ang magigiting at matatag na mga Ati.
Ang Dinagyang Festival ay isa sa mga taunang inaasahang pagdiriwang sa Pilipinas bilang parangal sa Santo Niño, ang Banal na Bata. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Linggo ng Enero sa Iloilo City.