Pinapasumite ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr ang lahat ng mga colonels at henerals ng Philippine National Police (PNP) na magsumite sila ng courtesy resignation.
Ayon sa kalihim na lumabas sa kanilang imbestigasyon kaya hindi masawata ang iligal na droga sa bansa ay dahil sangkot ang mga heneral at mga colonel.
Base na rin sa rekomendasyon ng PNP ay umapela na lamang siya na magsumite na ang mga ito ng courtesy resignation.
Dagdag pa nito na bagamat nakakabigla ay ito aniya ang nakikita niyang tamang gawin para magsimula muli.
Mayroong committee ito ng binuo na mag-aaral sa mga profile ng mga opisyal na magsusumite ng kanilang courtesy resignation.
Habang pinag-aaralan aniya ang kanilang courtesy resignation ay patuloy din ang mga opisyal sa paggampan ng kanilang trabaho.
Hindi naman nito binanggit kung sino-sino ang bubuo ng limang personalidad na mag-rereview ng kanilang courtesy resignation.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na isinangkot ang mga matataas na opisyal ng PNP sa iligal na droga dahil noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pinangalanan na rin nito ang ilang heneral ng PNP na may kinalaman sa bentahan ng iligal na droga.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na sila ay tatalima sa naging panawagan ni Abalos.