Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores.
Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores.
Inatasan din ni Sec Año ang Philippine National Police (PNP) na agad arestuhin ang mga lumalabag na patuloy na iginigiit ang pagbebenta ng mga gamot lalo na yung mga peke.
Sisiguraduhin din ng PNP na kanilang imomonitor ang mga tindahan na nagbebenta ng mga gamot.
Ayon kay Sec. Año dapat protektahan ng mga LGUs ang health and welfare ng kanilang mga constituents, kaya dapat siguraduhin ng mga ito na hindi nagbebenta ng mga gamot ang mga sari sari stores dahil sa ilalim ng batas hindi sila otorisado.
Sa ilalim ng Section 30 ng Republic Act (RA) No. 10918 ang Philippine Pharmacy Act, only Food and Drug Administration (FDA)-licensed retail drug outlets or pharmacies ang pinapayagang magbenta ng gamot para sa consuming public.
Siniguro ni Año ang suporta sa FDA at maglalabas ng Memorandum Circular (MC) sa mga LGUs para itigil na ang pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores at iba pang outlets other outlets without FDA authorization.
Panawagan naman ng kalihim sa publiko na bumili ng gamot sa mga drug store o pharmacies na otorisadong magbenta.
Ayon kay Año nakakatakot at delikado ang mga pekeng gamot lalo at nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.
Ang mga mahuhuling nagbebenta ng mga pekeng gamot ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA No. 8203 or the Special Law on Counterfeit Drugs.