-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa mga local government units na siguraduhin na nasusunod ang pagpapatupad ng minimum public health standards ngayong balik na rin ang operasyon ng sabong matapos ibaba ang alert level status ng National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa .

Simula bukas February 1, nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila at ilang mga lugar sa bansa .

Nais ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na hindi magiging super spreader event ang pagbabalik operasyon ng mga cockpit at ang tradisyunal na sabong dahil nandiyan pa rin ang banta ng Covid-19 Omicron variant.

Hinimok ni Sec Año ang lahat ng mga provincial governors, city/municipal mayors, at punong barangays na siguraduhing naipapatupad ang batas at nasusunod ang compliance ng health and safety protocols ng management ng mga cockpits at cockfighting activities sa kanilang mga areas of jurisdictions.

Sinabi ng kalihim na ang maximum venue capacity para sa indoor gatherings ay 50% para duon sa mga fully vaccinated individuals batay sa IATF guideline.

Dapat ang mga on-site workers/employees ng nasabing establisimiyento ay dapat bakunado rin.

Kapag pumapasok sa isang sabungan dapat siguraduhin na maayos ang pagsuot ng face masks dapat sundin ang no facemask no entry policy at tiyakin ang physical distancing.

Inihayag ni Ano na mahigpit na imomonitor at iinspekssyunin ng mga pulis ang mga sabungan.


Kapag nahuling lumalabag ang isang sabungan agad ito ipapasara at mahaharap sa kaso.