-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng FIBA AmeriCup 2025 ang Team Brazil matapos nitong pataubin ang Dominican Republic, 94-82.

Pinangunahan ng Brizillian duo na sina Georginho De Paula at Yao Santos ang opensa ng koponan, at ipinoste ang 14-point lead sa pagtatapos ng 3rd quarter, 75-61.

Pinilit ng Dominican Republic na bumangon sa 4th quarter gamit ang back-to-back triples sa unang bahagi ng quarter.

Gayonpaman, kaagad itong sinagot ng Team Brazil ng tatlong magkakasunod na 2-point shots, nang hindi nakakaganti ang DR.

Hindi na nakabawi pa Dominicans at napanatili ng Brazillian team ang double-digit lead sa pagtatapos ng buzzer, 94-82.

Sa naturang laban, ipinoste ni De Paula ang 28 points, 7 assists, 5 rebounds, at apat na steal, habang 25 points, pitong reboundss, at apat na assists naman ang naging kontribusyon ni Yago.

Sa pagkatalo ng Dominican Republic, nagposte si Andres Feliz ng 14 points, gamit ang 50% shooting. Kumamada rin siya ng pitong assists at dalawang steals.

Ang naturang koponan ang pinakaunang nakapasok sa semifinals ng FIBA AmeriCup 2025