-- Advertisements --
Bahagyang humina ang Category 5 hurricane Melissa matapos na to ay magland-fall sa south-western Jamaica.
Ayon sa US National Hurricane Center, na umabot sa 295 kilometers per hour ang lakas ng hagin noong ito ay nag-landfall.
Matapos ang pag-landfall ay bahagyang humina ng 270 kph.
Ibinabala din nila na makakaranas ng matinding pagbaha matapos ang pag-landfall.
Nasa pitong katao na rin ang nasawi mula sa Jamaica, Haiti at Dominican Republic.
Nawalan rin ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Jamaica matapos ang pag-landfall ng nasabing bagyo.
Maraming residente rin ang lumikas sa kanilang bahay matapos ang malakas na pag-ulan at malawakang pagbaha.
















