-- Advertisements --

Kinoronahan bilang 2026 Miss World si Joheirry Mola Dominguez ng Dominican Republic.

Papalitan nito si Miss World 2025 Suchata Chuangsri ng bansang Thailand.

Nangibabaw ang Dominican Republic beauty queen sa 111 na mga kandidata sa buong mundo.

Ginanap ang coronation night sa 2/4 Square sa Nha Trang, Vietnam nitong Setyembre 5, 2026.

Nakuha naman ni Elisabeth Reynes Alabern ng Spain ang second runner-up habang si Taanusiya Chetty ng Malaysia ay pumangatlo sa puwesto.

Si Dominguez ay siyang pangalawang Miss World title holder sa Dominican Republic na ang una ay nakamit ni Mariasela Alvarez na kinoronahan noong 1982.

Nagtapos lamang hanggang Top 12 ang pambato ng Pilipinas na si Asia Rose Simpson kung saan siya ang top performer mula sa Asia at Oceania.