-- Advertisements --

Nangako na magpapaabot ng tulong at ng karagdagan pang assistance ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga pilipinong nasa Israel lalo na kapag lumala na tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Ito ang mga naging pahayaag ni DILG Secretary Jonvic Remulla matapos na mainit na salubungin ang 17 opisyal na ligtas na nakabalik ng pilipinas mula sa kanilang dinaluhang study tour sa Israel.

24/7 din aniyang nakamonitor ang kanilang tanggapan para matiyak na ligtas na makakabalik ng bansa ang mga opisyal nang walang nagiging aberya.

Kasunod nito ay tiniyak ni Remulla na nakahanda ang kanilang tanggapan, katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at maging ang Office of the President (OP) para rumesponde sa mga kababayang nananatili sa naturang bansa sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Samantala, nakahanda naman ang mga departamento na magdala ng mga eroplano kung sakali mang may mga Pilipino pang nangangailangan ng tulong para makabalik sa bansa nang sa gayon ay matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa kasalukuyan, sa 30,000 na bilang ng mga Pilipino sa israel, 191 pa lamang ang humiling na sumailalim sa repatriation.