Umabot na ng 1,546 mula sa 1,715 local gobernment units (LGUs) sa bansa ang idineklara bilang persona non grate ang Communist Party of the Philippines.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, binubuo ang mahigit 1,500 na LGUs ng 64 probinsya, 110 syudad at mahigit 1,300 munisipalidad.
Halos 12,474 naman ng 42,046 na mga barangay sa bansa ang hindi rin tanggap ang mga komunista, at nagdeklara na rin bilang persona non grata ang mga rebelde.
Dagdag pa ng kalihim na mas maliwanag pa raw sa sikat ng araw na isinusuka na ng sambayanan ang mga komunista at ang mga front organizations nito.
Labis naman ang pasasalamat ni Año sa mga LGUs na nagsasarado ng kanilang pintuan at ipinapakita ang kanilang mariing pagtutol sa mga komunistang grupo.
Tulad na lamang ng ginagawang mga hakbang ng LGUs para labanan ang COVID-19 opandemic, ay may mga paraan din aniya ang bawat LGUs para wakasan ang napakatagal ng problema ng bansa sa mga rebelde.