-- Advertisements --

Hindi umano kikilalanin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang inilabas na executive order ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na gawing optional na lamang ang pagsuot ng facemask kapag nasa labas ito o outdoor.

Sa inilabas na statement ni DILG Sec. Eduardo Año, binigyang-diin nito na ipagpapatuloy pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang pagsita at paghuli sa mga violators ng Inter Agency Task Force (IATF) guidelines.

Sinabi ni Año na ang kasalukuyang IATF protocols ay pumapayag lamang para sa specific instances na maaaring tanggalin ang facemask lalo na kung kumakain ang isang indibidwal o kapag nasa isang well-ventilated sports and activities.

Ayon sa kalihim, direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy pa rin ang pagsuot ng facemask bukod na lamang sa ilang circumstances, dahil strikto pa rin ang pagtupad sa minimum public health standards ay siyang susi para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ang pagsusuot ng facemask ng isang indibdwal, pagiging fully vaccinated at may booster shot ay makakatulong para bumaba ang transmission hindi lamang sa COVID-19 at maging sa iba pang infectious and respiratory disease kabilang ang Monkeypox.

Pinaalalahanan din ni Sec. Ano ang publiko at maging ang mga Local Government Units na nasa pandemya pa rin ang bansa kaya dapat para rin sumunod sa health protocols.