Malabo umanong payagan ang “work from Hague” para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Interior Sec. Jonvic Remulla, matapos ang pagkakapanalo ng dating presidente sa mayoralty race sa Davao City.
Sinabi ni Remulla na ipapaalam niya sa International Criminal Court (ICC) kung maaaring ipadala ng Pilipinas ang isang konsul upang manumpa si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.
Sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa ICC dahil sa mga alegasyon ng crime against humanity, si Duterte ay opisyal na idineklarang alkalde ng Davao City.
Nanalo si Duterte na may mahigit 662,000 boto laban sa kanyang katunggali na si Karlo Nograles, na nakakuha lamang ng 80,000 boto.
Dahil sa kanyang pagkakakulong, ang kanyang anak na si Davao Vice Mayor Sebastian Duterte ang magsisilbing acting mayor sa panahong wala siya, ayon kay Remulla.