-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Antony Blinken.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa 2024.

Ayon sa US Department of State na kabilang din sa napag-usapan ay ang nagaganap na tension sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Blinken na kasama ng Pilipinas ang US sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Nagpalitan din ang dalawa ng idea kung paano mapalakas pa lalo ang kooperasyon ng US at Pilipinas.

Ibinigyan diin naman ni Manalo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na linya ng komunikasyon at pag-uusap sa ibang mga partido para makamit ang objectives.