-- Advertisements --

Pumalo na sa 30 katao ang nasawi habang mahigit 80,000 na residente ang pinalikas dahil sa malawakang pagbaha sa northern China.

Ayon sa mga otoridad na walong katao ang nasawi dahil sa landslide sa Chende City.

Sa silangang bahagi ng China naman ay nakakaranas sila ng matinding init ng panahon.

Nanawagan si Chinese President Xi Jinping ng agarang pag-rescue at pinaghahanda ang mga residente ng mas mapanganib ng sitwasyon dahil sa insidente.