-- Advertisements --

Inamin ng pamunuan ng NBA na hirap pa silang makapagbigay ng anumang pasya tungkol sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season na sinuspinde dahil sa coronavirus.

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, posibleng sa Mayo na sila makagawa ng desisyon hinggil sa nasabing paksa.

“Essentially, what I’ve told my folks over the last week is that we just should just accept that, at least for the month of April, we won’t be in a position to make any decisions,” wika ni Silver. “And I don’t think that necessarily means on May 1 we will be.”

Tinitimbang pa raw kasi nila ang mga inihaing mungkahi sakaling ituloy ang mga laro sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ilan sa mga pinag-aaralan nilang opsyon ang pagkukumpleto pa rin sa regular season, pagdiretso na sa playoffs, o pagsasagawa ng isang tournament-style na postseason.

Binigyang-diin ni Silver na top priority nila ang kalusugan ng lahat ng nasa NBA bago ang paglalabas ng anumang desisyon.