-- Advertisements --

Posible umanong ilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon sa disqualification cases na inihain laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos sa Enero 17.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na sa Lunes pagkatapos i-raffle ang kaso ay posibleng ilabas ang resolusyon ng First Division sa naturang petsa.

Kung maalala noong Biyernes ay isinalang na sa preliminary conference ang tatlong disqualification case laban kay Marcos.

Idineklara nang submitted for resolution ang disqualification case na inihain ni Abubakar Mangelen na pinapalabas na chairman ng Partido Federal ng Pilipinas at gustong ma-revoke ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) na inisyu kay Marcos.

Nagprisinta rin ang mga petitioners ng certification mula sa QC RTC na nagpapakitang hindi nagpabayad ng multa, deficiency taxes para sa kanyang tax cases.

Iprinisinta naman ang kampo ni Marcos ng certificate mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbayad na ito ng tax pero nais ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na magprisinta ang kampo ng dating senador ng official receipt.

Kasabay nito ay binigyan ng Comelec ang mga petitioners ng hanggang tangghali ngayong Linggo para magsumite ng kanilang pinal na sagot sa mga nakabinbing kaso.