-- Advertisements --

Agad umanong maghahain ng deportation case ang Bureau of Immigration (BI) laban sa nahuling Indonesian suicide bomber na si Resky Rullie.

Ayon kay BI Intelligence Mindanao Task Group (MITG) head Melody Gonzales, si Rullie ay subject sa ilang buwan nang surveillance at nahuli sa planong pagsasagawa ng suicide bombing sa Sulu bago naaresto.

Nilinaw naman ng BI na haharap si Rullie ng criminal charges bago ito i-deport.

Dagdag ni Gonzales si Rullie ay high value target sa kanilang kampanya laban sa mga banyagang planong magsagawa ng terorismo sa Mindanao.

“A suicide vest, bombs, and other improvised explosive device making components were recovered from the trio. They have been brought to the police station for documentation and filing of charges. A deportation case has been recommended to be filed against Rullie for terrorism, being an illegal entrant, and for undesirability, apart from the criminal charges that she face,” ani Gonzales.

Si Rullie, alyas Cici ay nahuli noong Sabado sa joint law enforcement operation kasama ang Philippine Army’s 11th Infantry Division, Criminal Investigation and Detection Group Region 9 (CIDG-9), National Intelligence Coordinating Agency Region 9 at BI.

Ang Indonesian ay sinasabing asawa ni Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader Andi Baso na namatay sa bakbakan ng mga teroristang grupo laban tropa ng pamahalaan sa Sulu.

Si Rullie ay anak din ng mag-asawang Indonesian na sangkot sa January 2019 twin suicide bombing sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo.

Todo papuri naman si BI Commissioner Jaime Morente sa efforts ng BI Intelligence group sa matagumpay na operasyon laabn sa mga foreign terrorist.

“We pledge full support to government units in our joint fight against terrorism. We will not stop until we have rid our country of these demons who abuse our hospitality and hurt our people,” ani Morente.