DAVAO CITY – Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) Region 11 na matatapos na ngayong linggo ang depopulation sa mga baboy sa tatlong bayan ng Davao Occidental.
Inihayag ni DA-11 regional information officer Noel Provido, halos 92% na ang depopulation kung saan mula sa 15,000 baboy na isinailalim sa “culling” noong Pebrero 5 nitong taon mula sa Don Marcelino, Malita at Jose Abad Santos sa Davao Occidental at Davao City, nasa 14,097 na ang na-depopulate.
Noong Huwebes lamang, mahigit 2,000 baboy na mula sa Barangay Lamanan at Dominga sa lungsod ang na-depopulate.
Samantala, isasailalim naman sa 30 araw ang disinfection at decontamination sa culled areas kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng mga veterinary quarantine sa mga main at barangay checkpoints.