DepEd 1
-- Advertisements --

Tinukoy na ng Department of Education (DepEd) ang 20 updated na listahan ng pribadong paaralan na makikilahok sa pilot implementation ng limitadong face to face classes.

Pinili ng mga regional offices ang 20 paaralan na isasama para sa pilot run.
Sa Region 1, nasa dalawang eskwelahan ang kabilang sa pilot run, tig-tatlong paaralan naman ang napili sa Region 3, Region 6, Region 7, apat naman sa Region 9 at lima sa Region 11.

Nilinaw din ng opisyal na walang private schools ang napili sa Region 2, CAR at Region 4B dahil sa kasalukuyang COVID-19 alert level classification sa nasabing mga lugar gayundin sa Region 4A dahil sa naging resulta sa assessment ng aplikasyon.

Paliwanag ni DepEd Director Jocelyn Andaya na nasa 79 private schools sa buong bansa ang nagsumite ng kanilang intensiyon na magsagawa ng in person classes sa mga regional offices.

Mula sa naturang bilang 33 ang inirekomendang private schools subalit 20 lamang ang napili para magsagawa ng face to face classes.

-- Advertisement --

Ang mga hindi aniya napiling eskwelahan para sa pilot run ay ikokonsidera para sa expansion phase.

Ayon kay Andaya na naging prayoridad ang mga private school na kayang makapag-accommodate ng mas maraming classes, walking distance lamang mula sa residence ng mga mag-aaral at school personnel at maraming school personnel na fully vaccinated na at kayang makapag-cater ng mga mag-aaral na may special needs.

Samantala, nakatakdang magsagawa naman ng orientation sa araw ng Miyerkules, Nobyembre 17 sa 20 pribadong paaaralan para sa muling pagbubukas ng face to face classes sa susunod na linggo, Nobyembre 22. (with reports from Bombo Marlene Padiernos)