Naglabas ang Department of Education (DepEd) ng bagong panuntunan para makatulong sa mga school heads sa pagsuspendi ng pasok tuwing may kalamidad.
Sa ilalim ng DepEd Order Number 14 series of 2026, na binibigyan ng otorisasyon ang mga school heads na magkaroonng koordinasyon sa School Division Superintendent at sa local government units para sa pag-implementa ng granular suspension ng klase base sa aktual na sitwasyon sa komunidad.
Tiniyak ng DepEd na ang class suspensions ay target ng mga pangangailangan ng mga apektadong silid aralan o grade levels kaysa sa magpatupad ng buong kanselasyon ng pasok sa buong dibisyon.
Mayroong apat na bagong level-based learning continuity framework at apat na level base sa DepEd.
Una ay ang Hayo o Continue na regular-in-peson learning ay magpapatuloy kapag ligtas na ang lahat.
Hinay o Ease-in ay ang pag-aaral ay magpapatuloy ng paunti-unti, flexible manner kapag may bahagyang kalamidad.
Hinga o Check-in academic demands ay babawasan para maiprioridad ang kaligtasan at ang huli ay Hinto o Stop na temporaryong ititigil ang pasok dahil sa nakasalalay ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Layon ng nasabing kautusan ay para magkaroon ng mabilis at magkaroon ng sapat na kaalaman.















