-- Advertisements --

Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng alternatibong paraan ng pagtuturo gaya ng paggamit ng radyo at telebisyon.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, dahil sa hindi pa ligtas ang tinatawag ng physical classes kaya isinapinal nila ang tatlong alternatibong paraan ng pagtutuo o tinawag na “distance learning modalities”.

Bukod sa radyo at telebisyon ay ang printed o digital modules na maaaring ideliver sa mga kabahayan ng mga estudyante.

Mahigit aniya silang makikipag-ugnayan sa mga barangay at mga opisyal ng gobyerno.

Mula pa kasi noong 1800 ay may malaking tulong na ang radyo sa mga tao.

Ipinanukala din nito ang paggamit ng online learning platforms na ginagamit ng mga mag-aaral kung saan mayroon ng mahigit pitong milyong subscribers ng kanilang DepEd Commons ang sariling online resources ng DepEd.

Homes that don’t necessarily have internet connectivity may have televisions. And the most and the best-used approach, of course, is radio-based instruction. Kasi ang television mga 1950s, 60s [while] radios have been around since the 1800s, there are already existing educational programs on television stations. What we need to do is to transmit our curricula and we are working out how to do this,” wika ng kalihim.

Dahil dito ay nagbigay naman ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ng kalihim kung saan handang ipagamit ng Presidential Communications Operations Office ang kanilang People’s Televsion Network at ang Intercontinental Broadcasting Corporatio (IBC-13) bilang radio platform.

Magugunitang sinabi ng pangulo na hindi ito sang-ayon sa pagpatuloy ng pasukan sa Agosto 24 hanggang wala pang bakuna sa virus.