-- Advertisements --
Nakatakdang ilabas ng Department of Education (DepEd) ang health standard na kanilang ipapatupad sa mga paaralan.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, na mayroong minimum health standards na sila na maaaring ipatupad sa mga paaralan gaya ng social distancing at paggamit ng mga protective equipment gaya ng face masks.
Posibleng ngayong linggo ay mailalabas na ang nasabing panuntunan kasama na kung saan kukunin ang budget at pagmumulan noon.
Posibleng isailalim sa pagsusuri na rin ang mga guro bago sila pumasok sa mga paaralan.
Nauna rito binatikos ang DepEd matapos na ianunsiyo na gagawin na sa Agosto 24 ang pagsisimula ng school year at matatapos sa Abril 30, 2021.