-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Department of Education (DepEd) ang digitalization ng edukasyon sa bansa.

Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na naniniwala ito na pagdating ng 2028 ay tuluyan ng digitalized ang edukasyon sa bansa.

Lahat ng mag-aaral at guro ay kasama dito dahil kailangan ng bansa ang bagong paraan ng pagtuturo.

Isang paraan aniya dito ay ang paglalagay ng mga public at mabilis na WIFi connections sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.