-- Advertisements --
deped1

Hindi pa rin naabot ng Department of Education (DepEd) ang 28.8 million enrollment target para sa School Year 2023-2024 dahil ang database nito ay nagpakita lamang ng 24.7 million learners na naka-enroll.

Batay sa Learner Information System (LIS) ng DepEd, may kabuuang 24,772,003 na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan, pribadong paaralan, State Universities and Colleges (SUCs), at Local Universities and Colleges (LUCs).

Karamihan sa mga enrollees ngayong school year ay nagmula sa Calabarzon sa kabuuang 3,672,271.

Sinundan ito ng Central Luzon na may 2,753,328, National Capital Region na may 2,597,582; at Central Visayas na may 1,916,234.

Mayroon ding 217,631 mag-aaral na naka-enrol sa ilalim ng Alternative Learning System, at 15,483 ang naka-enrol sa mga paaralan sa Pilipinas sa ibang bansa.

Nauna nang sinabi ni DepEd deputy spokesperson Assistant Secretary Francis Cesar Bringas na running number pa rin ang numero ng enrollment habang patuloy ang pag-upload ng mga paaralan ng kani-kanilang data sa Learner Information System.

Ayon kay Bringas, tatanggap pa rin ang DepEd ng mga late enrollees hanggang sa susunod na linggo.