-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Department of Education (DepEd) ng mga public at private schools sa bansa na magsasagawa ng limited in-person classes.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na binigyan niya ng otorisasyon ang lahat ng mga DepEd regional directors na simulan na ang progressive expansion phase ng face-to-face classes.

Ang expansion phase ay ikalawa sa tatlong bahaging plano ng DepEd sa pagbubukas muli ng basic education schools matapos ng halos dalawang taon na natigil ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Naganap ang unang phase nito noong Nobyembre hanggang Disyembre na halos 300 mga paaralan ang lumahok.

Paglilinaw ng DepEd na tanging mga lugar na nasa Alert Level 2 lamang ang papayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.

Gaya ng ginawa noong una ay dapat ipaalam ito sa local chief executive ng lugar kung saan gaganapin ang limited face-to-face classes.