-- Advertisements --

Pinuri ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang mga guro at iba pang poll watcher’s para sa matagumpay na 2025 midterm elections.

Sa isang pahayag, sinabo ng kalihim na ang commitment ng mga personnel ng ahensiya na magserbisyo ay nakatulong para matiyak ang maayos na pagsasagawa ng halalan sa buong bansa.

Saad pa ni Sec. Angara na ang mga ito ay hindi lamang public servants kundi sila ay frontliners ng demokrasiya.

Ayon sa DepEd, aabot sa mahigit 660,000 personnel ang nagsilbi sa midterm elections noong araw ng Lunes, Mayo 12.

Sa kabuuan, nasa 758,549 poll workers ang idineploy sa buong Pilipinas.

Samantala, nakapagtala naman ang DepEd Task Force ng 603 na isyung may kinalaman sa halalan mula sa kanilang 24/7 command center.

Kabilang dito ang pumaalyang automated counting machines, iregularidad sa mga balota at resibo at concern sa listahan ng mga botante.

Karamihan sa mga ulat ay galling sa Metro Manila at BARMM.

Sa kabila nito, nauna naman ng inihayag ng DepEd na nabigyan ng agarang tugon ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa Comelec at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.