Iniimbestigahan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang mga ulat na umanoy nagkaroon na ng hawaan ng COVID-19 sa ilang estudyante sa bansa.
Inihayag ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, nakikipag-ugnayan na sila sa mga Regional Field Operations para kunin ang mga data na ito.
Pinawi naman nito ang espekulasyon na maraming mga bata ang nahahawaan ng virus mula nang magbukas ang klase noong Agosto 22.
Wala rin daw umanong major surge ng hawaan sa mga bata dahil agad naman umanong nagsasagawa ng intervention ang mga local health representatives at kagawaran.
Dahil dito, patuloy ang apela ng DepEd sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para magkaroon ng depensa laban sa virus.
Tumanggi ang Department of Education na tukuyin ang mga lugar na nagkaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga estudyante.