Natapos na ang kampanya ng Denmark sa 2022 FIFA World Cup matapos na hindi sila papormahin ng Australia 1-0 sa group D stage knockout game na ginanap sa Al Janoub Stadium.
Kinailangan kasi manalo ang ranked number 10 na Denmark laban sa ranked 38 na Australia subalit nabigo sila sa kanilang plano.
Sa unang half ng laro ay kapwa walang puntos ang dalawang koponan at pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Australia ng maipasok ni Mathew Leckie ang kaniyang breakaway goal.
May tsansa pa sana ang Denmark na maitabla ang laban ng gawaran sila ng penalty sa natitirang 10 minuto subalit na-offside ang goal ni Kasper Dolberg.
Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa last 16 ang Australia mula noong 2006 habang labis naman ang pagkadismaya ng Denmark dahil sa sila ang semi-finalists ng Euro football noong nakaraang taon.