-- Advertisements --

Mas dumoble ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Department of Health, na sa panibagong 97 na kaso ay 88 dito ay mga local cases habang anim ay mula sa Returning Oversease Filipinos (ROF).

Sa nasabing mga ROF ay pawang mga seafarers ng MT Clyde at Barge Claudia na nakadaong sa Albay.

Gumaling naman ang 94 sa 97 Delta variant na naitala sa bansa.

Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga local government units para mabilis na matukoy ang ilang mga posibleng nakasalamuha ng mga Delta variant positive.