Kinumpirma ng Malacañang na nagbitiw sa kanilang puwesto ang dalawang undersecretaries ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Palace press officer Atty. Claire Castro na nagbitiw sa kanilang puwesto sina Financial and Supply Chain Management Services Randy Escolango at Undersecretary for Universal Health Care-Health Services Cluster Lead for Luzon Dr. Glenn Mathew Baggao.
Dagdag pa nito ang mga ito ay nahaharap sa reklamo sa Office of the Ombudsman.
Si Baggao na itinalaga bilang Health Undersecretary for Public Health Service Cluster noong 2024 ay nahaharap sa graft complaints mula sa Concerned Health Workers noong buwan ng Abril.
Base sa grupo na nilabag umano ni Baggao ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos na ang kapatid nito ay nakakuha ng P140 milyon na halaga ng infrastructure projects kabilang ang mga pagamutan noong termino nito.
Habang si Escolango ay nahaharap sa reklamo kasama si dating Health Secretary Teodoro Herbosa noong Hunyo dahil sa pagtatalaga sa ilang pangunahing posisyon at isinasantabi ang “standard fiscal checkpoint”
















