Nilinaw ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi sangkot ang mga delisted Chinese auxiliaries sa nangyaring hacking incidents sa website ng PCG.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, delisted na ang nasabing mga Chinese national mula sa Philippine Coast Guard Auxiliary noon pang Disyembre ng nakalipas na taon.
Sinabi din ng PCG official nakakuha ng mga kaukulang dokumento ang nasabing mga Chinese national gaya ng police at National Bureau of Investigation clearances.
Nirerespeto din aniya ng PCG sakali man na may nakitang iregularidad dito ang ibang sektor kayat nagpasya si PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan na tanggalin muna ang mga ito sa hanay ng Coast Guard Auxiliary.
Una rito, ang isyu ng Chinese nationals na miyembro ng PCGA ay kasunod ng tumitindi pang tensiyon sa pagitan ng China at PH kaugnay sa pagiging pagresibo at ginagawang harassment ng China sa West PH Sea.