Bumisita ang delegasyon ng Department of Defense (DND) sa gawaan ng submarine ng Republic of Korea (ROK).
Ayon kay Defense Sookesperson Arsenio Andolong, bahagi it ng pagbisita ni DND Assistant Secretary Jesus Rey Avilla ng Office for Logistics, Acquisition and Self-Reliant Defense Posture sa ROK para pag-usapan ang kooperasyong pagndepensa ng Pilipinas at ROK.
Nakipagpulong si Avilla kay Vice Minister Seo Hyeung Jin of the Defense Acquisition Program Administration (DAPA) ng ROK.
Napagusapan ng dalawang opisyal ang possibleng pagbili ng Pilipinas ng mga corvette at submarine na gawa sa ROK.
Tiniyak ng vice minister ang buong suporta ng ROK sa pangangailangang pang-depensa ng Pilipinas.
Kamakailan lamang nakumpleto ng Republic of Korea ang delivery ng dalawang multi-role missile frigate frigates ng Philippine Navy, ang BRP Jose Rizal (FF-150) and BRP Antonio Luna (FF-151).