-- Advertisements --

Naniniwala ang isang house leader na ang mataas na tiwala ng publiko sa house members ay patunay ng epektibong pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez.

Ito ang binigyang-diin ni Senior Deputy Speaker David “Jay-Jay” C. Suarez hinggil sa pinakahuling survey na nagpapakita na halos pito sa bawat 10 Pilipino o 68% ang nasisiyahan sa kanilang mga kinatawan sa Kamara ay sumasalamin sa mahusay na pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ayon kay Suarez, ipinapakita ng mataas na rating na mahalaga ang suporta ng taumbayan para mapatatag ang demokrasya sa Pilipinas. 

“The role of a congressman goes beyond lawmaking inside the halls of Batasan. It is about being present in the lives of our constituents — listening to their needs, finding solutions to their daily struggles, and ensuring that government resources are delivered to the grassroots. That is the essence of representation,” giit pa ng mambabatas.

Dagdag pa ng kongresista, ang ugnayan sa pagitan ng tao at kanilang mga kinatawan ang pundasyon ng epektibong pambansang kaunlaran.

Ipinakita ng WRN Numero survey, na isinagawa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 6, 2025, na 68% ng mga Pilipino ay nasisiyahan sa kanilang mga district representatives, habang 7% lamang ang hindi nasisiyahan at isa pang 7% ang nagsabing hindi nila kilala ang kanilang kongresista.

Sinabi ni Suarez na sa pamumuno ni Speaker Romualdez, patuloy na uunahin ng House of Representatives ang mga hakbang na magpapagaan at magpapabuti sa buhay ng karaniwang Pilipino mula sa pagpapababa ng presyo ng pagkain hanggang sa pagtitiyak ng de-kalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan.

“As this survey reminds us, trust is earned by service. Under Speaker Romualdez, the House will remain a true House of the People — responsive, compassionate, and committed to building a stronger nation,” diin pa ni Suarez.