-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkagulat si dating Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpatawag ng special session ng Kongreso sa Hunyo 17, 2026.

Layunin ng special session na agarang talakayin at posibleng ipasa ang ilang priority bills ng administrasyon, kabilang ang mga panukalang may kinalaman sa social protection at pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Defensor na nagulat siya sa hakbang ng Malacañang at iginiit na maaari naman umanong talakayin ang mga panukala sa regula session ng Kongreso.

Ayon sa kanya, wala namang krisis tulad ng pandemya, digmaan, o malawakang economic emergency na magbibigay ng dahilan para magpatawag ng special session.

Dagdag pa ni Defensor, kung ano ang tunay na pakay sa likod ng naturang special session. Sa kanyang pahayag, sinabi rin niyang maaaring may kinalaman ito sa usapin ng liderato sa Senate Blue Ribbon Committee at mapatigil ang pag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects.

Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na tugon ang Malacañang kaugnay sa mga pahayag ni Defensor sa ngayon.