Apat na mahahalagang punto ang tinalakay sa Philippine-US 2+2 Ministerial Dialogue na ginanap sa Kampo Aguinaldo kahapon na dinaluhan nina US Secretary of State Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin.
Ito ay ay pagpapatibay ng isang matandang alyansa at makabagong alyansa; Pagpapalakas ng Resilience ng Ekonomiya para sa isang Maunlad at Sustainable na hinaharap; Pagtiyak sa Paggalang sa Rules-Based Order sa Indo-Pacific; at Pamumuhunan sa People-to-People Ties.
Partikular na tinalakay ang usaping pang depensa at economic cooperation, regional peace, stability at pagsunod sa International Rules Based Order.
Bukod sa usaping pagpapalago sa ekonomiya, nagpalitan din ng kanilang mga opinyon at pananaw ang mga opisyal ng Pilipinas at Amerika hinggil hamong kinakaharap ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.
Muling binigyang-diin nina Blinken at Austin ang Mutual Defense Treaty sakaling umaabot sa armadong pag-atake laban sa alinman sa mga armadong pwersa, sasakyang panghimpapawid, at pampublikong sasakyang pandagat ng bansa – kabilang na ang mga barko at ng coast guard sa bahagi ng West Phil Sea.
Ipinunto din ng mga ito ang kritikal na kahalagahan ng 1998 Visiting Forces Agreement (VFA) at 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bilang pundasyon sa pagtatayo ng enhanced Alliance coordination at interoperability.
Muling pinagtibay din ng mga kalihim ang kanilang suporta sa walang hadlang na legal na komersyo at ganap na paggalang sa internasyonal na batas, kabilang ang kalayaan sa paglalayag at paglipad, at iba pang mga legal na paggamit ng dagat.
Ipinunto din ng mga kalihim ang kahalagahan ng People-to-People ties na magdudulot ng isang espeyal na bond sa pagitan ng mga Filipino at Amerikano,