Sumampa na sa 36 na katao ang bilang ng nasawi habang nasa 30 naman ang napaulat na nasugatan sa pagguho ng bahagi ng expressway sa Guangdong province sa China sa gitna ng pagbuhos ng milyun-milyong kataong naglalakbay para sa May Day holiday break.
Ito ay matapos na mahulog at mabaon sa maputik na bangin ang ilang mga sasakyang dumadaan sa naturang highway.
Nangyari ang pagguho ng Meizhou-Dabu Expressway dakong 2:10 am araw ng Miyerkules na dulot ng matinding mga pag-ulan at baha na nararanasan sa naturang lugar.
Mayroong habang 17.9 meters ang gumuhong bahagi ng kalsada at nasa 23 mga sasakyan ang nahulog.
Ang naturang expressway ay isa sa mga lugar sa Guangdong, China na matinding sinalanta ng heavy rain at ulang may dalang yelo simula noong huling bahagi ng Abril na nagdulot ng mga mapanganib na mudslide, binaha ang mga tahanan at nawasak ang mga tulay.
Samantala, ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping ang puspusang pagsisikap para isalba ang buhay ng mga nadamay sa insidente sa gitna ng nagpapatuloy na maulang panahon s rehiyon.
Pinakalat na rin ang mga task force mula sa central at local governments para magsagawa ng rescue operations.