Patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga iniiwang patay ng nagpapatuloy na giyera ngayon sa Gaza City.
Ito ay matapos na pumalo pa sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga nasawing biktimang naipit sa mas umiigting pang sigalot sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas na nagsimula pa noong nakaraang buwan.
Batay sa datos na inilabas ng Gaza health authorities, sa ngayon ay umakyat na sa 8,796 ang bilang ng mga nasawing Palestinian, habang umabot na sa mahigit 1,400 naman ang mga namatay sa panig ng Israel.
Samantala, bukod dito ay dose-dosenang mga indibidwal naman mula sa Gaza ang dumating na sa Egypt sa pamamagitan ng Rafah crossing noong Miyerkules.
Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng Egypt, Israel at Hamas, humigit-kumulang 80 nasugatan na indibdiwal at unang batch ng 500 dayuhang may hawak ng pasaporte ang inaasahang papayagang makalabas ng Gaza sa mga darating na araw.
Ang mga evacuees ay iniulat na kinabibilangan ng limang Japanese national, mga nagtatrabaho sa United Nations gayundin ang aid group na Medecins Sans Frontieres, na kilala rin sa English na pangalan nito na Doctors Without Borders