Patuloy na tututukan ni Mamamayang Liberal party-list first nominee Leila de Lima ang paghahanda sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at mga planong legislation.
Ito ay sa kabila pa ng pagbaliktad o pagpapawalang-bisa ng Court of Appeals sa desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na nag-abswelto kay De Lima sa isa sa kaniyang drug cases.
Ayon sa abogado ni de Lima na si Atty. Dino de Leon, naniniwala ang kanilang kampo na hindi mailalagay ng naging desisyon ng korte sa banta ng pag-aresto at pagkulong kay de lima.
Aniya, ibinalik ang kaso sa Regional Trial Court para maisulat ito ng maayos dahil ito ay isyu kung paano ito isinulat at hindi isyu ng pag-abswelto.
Naniniwala naman ang kampo ni De Lima na walang nangyaring grave abuse of discretion sa desisyon ng Muntinlupa RTC na nag-abswelto sa kaniya.
Samantala, sinabi din ni De Leon na magiging maingat ang first nominee ng partido sa paghahanda sa impeachment trial dahil si De Lima ay nagsilbi ding dating justice secretary at bar topnotcher.
Base sa national certificate of canvass, nasa pang-14 na pwesto ang ML party-list na nakakuha ng 547,949 votes.