-- Advertisements --

Pinuri ni Mamamayang Partylist Rep. Leila De Lima ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na papanagutin ang mga nasa likod na mga palpak at ghost flood control projects sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay DeLima kaniyang sinabi na gustong gusto niya ang naging pahayag na nito ng Pangulo dahil bilyong bilyon na pondo ang nawawala at mga kababayan natin ang nagsasakripisyo sa tuwing may kalamidad.

Diin ni De Lima nararapat lamang na managot ang mga walang kunsensiyang mga opisyal na nakikipag sabwatan sa mga kontratista para lamang makapag kupit ng pera.

Hindi naman masabi ni De Lima na pasado o bagsak ang ulat sa bayan ng Pangulo gayong may maganda siyang sinabi.

Diin ng mambabatas ilan kasi sa mga ipinagmalaki nitong programa ay kailangang i-fact check muna gaya ng pinalawak na serbisyo ng PhilHealth at iba pa.

Diin ng mambabatas nakukulangan din siya sa SONA ng Pangulo.

Pagtiyak ni DeLima na bilang miyembro ng minority magiging fiscalizer siya at papanig sa tama at ipaglaban ang nararapat.

Samantala, Isusulong din ni Rep. De Lima ang isang resolusyon na layong buksan sa publiko ang bicam sa pagtalakaysa pambansang budget.

Aniya panahon na gawin ito dahil nabatid na maraming mga anomalya ang nangyayari sa Bicameral conference lalo na ang mga insertions.

Ang pahayag ni De Lima ay kasunod ng banta ng Pangulong BBM na hindi nito lagdaan ang 2026 National budget kung di ito naka angkla.