-- Advertisements --

Binatikos ni dating Senador Leila de Lima si Vice President Sara Duterte matapos sabihin nitong nais niya ng isang “bloodbath” sa nalalapit na impeachment trial sa Senado.

Sa isang panayam sa Davao City, sinabi ni Duterte na bagamat hindi nila nais na umabot sa paglilitis ang proseso, inihahanda na ng kanyang legal team ang magiging depensa.

‘But I told them that I truly want a trial because I want a bloodbath,’ ani Duterte.

Bilang kasapi ng panel ng mga prosecutor sa impeachment at inaasahang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) party-list sa ika-20th Congress, agad na sumagot si De Lima sa social media. Aniya, hindi maaaring magkaroon ng “bloodbath” dahil ang nakasuhan lamang ang nasa ilalim ng paglilitis.

‘If any blood is spilled, it can only be that of the person impeached, not the prosecutors’, not the senators-judges’, not the administration’s, not the people’s. We will make sure of that,’ pahayag ni De Lima.

Dagdag niya, ang impeachment trial ay isang seryosong proseso ng pananagutan sa ilalim ng Konstitusyon, at hindi ito entablado para sa kaguluhan o ka-dramahan.

Binalaan din niya ang kampo ni Duterte na maaaring maharap sa contempt kung sisikaping guluhin ang proceedings.

Hinamon din ni De Lima si Duterte na harapin ang paglilitis nang may paggalang sa proseso, at tiniyak na igagalang ang kanyang karapatan sa ilalim ng batas.